NAKASALUBONG namin si Cogie Domingo sa entrance ng ABS-CBN at bumilib kami na hindi siya nakakalimot bumati-kumamay kahit mahigit dekada na simula no’ng huli kaming dumalaw sa kanilang bahay sa paanyaya ni Tita Cristy Fermin.

Bagets na bagets pa si Cogie noon, malayo sa kanyang porma nang makita namin siya last Friday na medyo nag-mature, nadagdagan ng konting timbang pero andoon pa rin ang Cogie-look na pinagpantasyahan ng bold star na si Keanna Reeves.

Natuwa kami sa kanyang comeback via Ipaglaban Mo, aired last Friday. Kitang-kita sa kanyang mukha ang saya habang papasok ng Kapamilya compound. Mukhang may nakalaan pang ibang magagandang projects sa aktor after Ipaglaban Mo. 

“I’m very excited to be back,” aniya sa panayam sa kanya ng Push.com.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Pagkatapos niyang mamahinga sa showbiz ng halos isang dekada, nami-miss ulit niyang magtrabaho.

“’Yung puyat na-miss ko, ‘yung puyat,” pabirong sabi niya. 

Paano siyang nakumbinsi na mag-comeback?

“I just want to get back to what I love doing the most. Siguro at least na-settle ko ‘yung family ko and now I can start doing what I want to do again.”

Wala pang balita kung pipirma siya ng kontrata sa Kapamilya pero sigurado siyang seseryosohin na niya ang pag-aartista, for the second time around.

“Yes hopefully, hopefully rin,” tugon niya at inaming may mga pag-uusap na magaganap between him and ABS-CBN management at saka na lang niya ihahayag ang mabubuo ‘pag plantsado na ang lahat.

Hiling niyang makasama uli si Eddie Garcia sa una niyang proyekto, kung sakali.

“Marami kasi akong natutunan sa kanya and seeing him again brings back those days.”

Dream role this time?  

“Siguro I want to do a role about being a father, I can relate to that. And that will be my dream role,” pahayag nang nagbabalik na aktor. (ADOR SALUTA)