TARLAC CITY – Ilegal na droga ang sinasabing dahilan kaya brutal na pinaslang ang isang 34-anyos na lalaki sa barangay road ng Sitio Yabutan sa Barangay San Miguel, Tarlac City.

Sa imbestigasyon na isinumite sa tanggapan ni Tarlac City Police Chief, Supt. Bayani Razalan, tinambangan at pinagbabaril ng riding-in-tandem si Michael Tacusalme, binata, ng nasabing barangay.

Ayon sa report, isinagawa ang pamamaslang dakong alas 6:30 ng gabi habang sakay ang biktima sa kanyang Yamaha motorcycle at tinatahak ang Sitio Yabutan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, natukoy na dahilan sa pamamaril ang pagkakasangkot umano ni Tacusalme sa droga. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog