SAN PASCUAL, Batangas – Blangko pa sa mga awtoridad ang dahilan ng umano’y pagpapakamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa San Pascual, Batangas.

Nakabitin sa terrace ng kanilang bahay nang matagpuan si Roden Asilo, 46 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:10 ng umaga nitong Sabado nang matagpuan ang biktima na nakabigti.

Wala naman umanong nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima, ayon sa mga awtoridad. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog