Nakiisa ang Korte Suprema sa pandaigdigang laban kontra human trafficking nang ilunsad nito noong nakaraang linggo ang isang bagong training course sa pangangasiwa sa mga kaso ng human trafficking para sa mga miyembro ng hudikatura.

Inilunsad sa tulong ng Philippine Judicial Academy (PHILJA), magkatuwang sa proyekto ang Supreme Court (SC) at ang gobyerno ng Australia, sa pamamagitan ng Australia-Asia Program to Combat Trafficking in Persons (AAPTIP).

Sa nakalipas na mga taon, daan-daang empleyado na ng Bureau of Immigration at iba pang mga law enforcement agency ang sinanay ng AAPTIP laban sa human trafficking.

Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorley, ang mga gamit at training modules para sa nasabing kurso ay partikular na dinebelop upang mapag-ibagyo ang kahusayan ng mga hukom, prosecutor, legal researcher, social worker, at law enforcer sa pangangasiwa sa mga kaso ng human trafficking.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kauna-unahang anti-human trafficking training sa Pilipinas, sinabi ni Gorley na naisagawa na rin ang mga kaparehong pagsasanay sa mga miyembro ng criminal justice sector sa iba pang mga lugar, gaya ng Tagaytay, Dumaguete, Palawan, at Cebu. (Jun Ramirez)