LEMERY, Batangas - Patay ang isang pinaghihinalaang carnapper habang pinaghahanap naman ang isa pa niyang kasamahan matapos nilang makaengkuwentro ang mga awtoridad sa Lemery, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:45 ng gabi nitong Sabado, nagsasagawa ng entrapment operation sa Barangay Malinis ang grupo ni Chief Insp. Dwight Fonte Jr. nang makaengkuwentro ang mga suspek.

Dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital ang suspek na nasa 5’3” ang taas, payat, may tattoo na “Guardians” sa kanang braso, at nakasuot ng jersey shirt. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog