Nailusot ng Arellano University ang pahirapang 83-78 panalo kontra University of Perpetual Help kahapon, sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Buhat sa huling pagtatabla na 73-all may 4:34 sa laro, nakausad ang Chiefs mula sa basket ni Niko Cabiltes, habang mas naging linta ang depensa ng tinaguriang “team-to-beat” para malimitahan ang karibal sa dalawang field goal.

Naging malaking kawalan para sa Altas ang hindi paglalaro ni Bright Akhuettie na may iniindang sprained knee.

Nagtala ng 25 puntos, 9 na rebound, tatlong assist at dalawang steal si Jiovani Jalalon upang pamunuan ang nasabing panalo ng Chiefs habang nag-ambag naman si Kent Salado ng 14 na puntos at walong rebound, at humugot ng 13 rebound si Lervin Flores.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna sa Altas si Gab Dagangon na may 17 puntos at 15 rebound. - Marivic Awitan

Iskor:

Arellano (83) - Jalalon 25, Salado 14, Holts 9, Flores 8, Nicholls 6, Gumaru 6, Canete 6, Meca 2, Cadavis 2, Alcoriza 2, Gupilan 2, Enriquez 1.

UPHSD (78) - Dagangon 17, Eze 12, Dizon 12, Pido 8, Singontiko 8, Hao 6, Cabiltes 6, Sadiwa 5, Gallardo 4.

Quarterscores: 25-24, 45-46, 64-64, 83-78.