WALA nang bisa ang kasal nina Mandy Moore at Ryan Adam

Isinapinal na ng dating mag-asawa ang kanilang diborsiyo matapos ang anim na taong pagsasama bilang mag-asawa, ayon sa court documents na nakalap ng TMZ. Una nilang inihayag ang kanilang paghihiwalay noong Enero 2015.

Bagamat noong una ay iniulat na hindi nagkasundo sa hatian ng pera sina Moore, 32, at Adams, 41, magbabayad ang musikero sa kanyang dating asawa ng $425,000 cash.

Mapupunta sa Tangled star ang kanilang Griffith Park home, isang condo sa Beverly Hills at ang 2012 Prius.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mapupunta naman kay Adams ang comic book collection, pinball machines, ang 2008 Porsche Carrera at ang 1959 Cadillac. 

Ikinasal sina Moore at Adams noong 2009, ilang buwan matapos ang kanilang engagement.

Si si Taylor Goldsmith ng bandang Dawes ang kasalukuyang boyfriend ni Mandy More. (People.com)