Binigyan ng heroes’ welcome ng kanyang kababayan si nine-ball billiards star Cheska Centeno sa kanyang pagbabalik sa Zamboanga City mula sa matagumpay na kampanya sa abroad kung saan tinanghal siyang pinakabatang world champion sa sports.

Ang 16-anyos at dating World Junior 9-Ball gold medalist na si Centeno, ay sinalubong sa airport bago ang parada patungong City hall para sa courtesy call kay Mayor Bing Climaco.

Nakopo ni Centeno ang korona sa Amway eSpring International 9-ball championship nang gapiin si dating world No.1 Kelly Fisher ng Great Britain, 11-8, kamakailan sa New Taipei Coliseum.

“Masayang-masaya po ako dahil napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko nang talunin ang pinakamagagaling sa buong mundo,” sabi ni Centeno.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“Next tournament ko po ang World 8-Ball Championship sa China,” aniya.

Produkto si Centeno ng Philippine National Games (PNG) at nagsimulang maglaro sa edad na 11.

“Pinaghahandaan na po namin ang Malaysia SEA Games,” sabi ni Centeno, gagabayan ni Rodolfo “Boy Samson” Luat bilang coach, sa kanyang kampanya na maidepensa ang korona sa biennial meet.

Nakopo rin niya ang 2015 Shanghai World Games at 2015 Singapore SEA Games 9-Ball title. (Angie Oredo)