GERONA, Tarlac - Sadyang mainit pa rin ang mga aksidente sa lansangan at kamakailan ay limang sasakyan ang nagkarambola sa highway ng Barangay Salapungan, Gerona, Tarlac, na ikinasugat ng pitong katao.

Ayon kay PO2 Christian Rirao, nasangkot sa karambola ang Kawasaki Barako motorcycle na “for registration” ang plaka at minamaneho ni Richard John Orañez, 23, ng Bgy. Estipona, Pura; Toyota Hi-Ace van (VB-1264) na minamaneho ni Lloyd Marquez, 36, ng Nampicuan, Nueva Ecija; Mitsubishi Fuso XLT (CXV-613) na ang driver ay si Reynaldo Dela Cruz, 46, ng Bgy. Magaspac, Gerona.

Kabilang din sa karambola ang Toyota Avanza (ALA-6115) na minamaneho ni Roldan Garcia, 29, ng Bgy. Poblacion 1, Gerona; at Toyota Revo (WKW-163) na minamaneho ni PO1 Gerald Abenojar, 25, nakatalaga sa PPSC sa San Fernando City, Pampanga.

Sa pitong nasugatan, kinilala ang tatlo na sina Alma Magno, 18, ng Bgy. San Jose, Tarlac City; Mina Rica Valeroso, 21, ng Pura; Charlie Lurot, 26, ng Gerona, na pawang sakay sa Hi-Ace. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?