MALAKING challenge kay Mark Herras ang pagganap bilang isang beki sa Conan, My Beautician bagamat hindi ito ang first time. Iyong mga nauna kasi parang biru-biruan lang, usually kapag guest siya sa shows.

“First time ko lang gumanap na bakla na nagsuot ako ng damit-babae at todo makeup,” kuwento ni Mark. “No problem naman sa akin ‘yon, pero nakiusap lang ako sa production na hindi ako magsusuot ng high heels dahil hindi ko talaga kayang maglakad na naka-high heels.”

Paano siya magmumukhang babae talaga, nagsuot din ba siya ng bra?

“Opo, nagsuot po ako ng bra pero boxer shorts ang gamit ko, hindi ko po kayang mag-ipit. Kung napapansin ninyo na kapag bakla ako, may takip iyong harap ko para hindi mahalata.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

May nagbiro kay Mark na masuwerte siya dahil involved siya sa dalawang beauty queen. Ang katambal kasi niya sa Conan My Beautician ay si 2013 Miss World Megan Young at ang girlfriend naman niyang si Wynwyn Marquez, bagamat hindi nanalong Bb. Pilipinas ay isa sa mga hinangaan among the candidates ng beauty pageant.

“Nakikisama lang po ang panahon. Masuwerte ako na dalawang beauty queen ang kasama ko. Pero hindi ko naman sila ginagaya, humihingi lang ako ng tips. With Megan, hindi naman problema dahil Starstruck graduate din siya at kami namang mga Starstrucks, magkakaibigan. Kaya kami ni Megan,hindi na nangapa sa mga eksena dahil matagal na kaming nagkasama. Nakasama ko rin si Megan noon sa isang movie namin ni Jennylyn Mercado.”

Hindi totoong beki si Conan sa istorya ng afternoon sitcom, straight guy siya na natutong maggupit ng buhok sa tatay niyang playboy noong nasa probinsiya pa siya. Pero napilitan ang family nila na pumunta ng Manila at siya ang bumuhay sa kanila. Nagtrabaho siya sa isang beauty salon na nangailangan ng mga beking beautician at doon nga niya na-meet ang magandang si Ava (Megan) at na-in love siya.

Magpapasaya ang cast ng Conan, My Beautician simula sa Linggo, 5:00 PM sa GMA-7. Produced by GMA Public Affairs, sa direksyon ito ni Adolf Alix, written by Zig Dulay and Rody Vera, kasama rin sina Lotlot de Leon, Jay Manalo, Cacai Bautista, Jerald Napoles, Betong Sumaya, Boobsie, Tetay, Vangie Labalan, Chlaui Malayao, Antonette Garcia at si Balang. (NORA CALDERON)