JUDY ANN copy

DALAWANG taon naghintay kay Judy Ann Santos ang producer at director ng indie film na Kusina na entry sa 2016 Cinemalaya sa Agosto at sa wakas ay napagbigyan na sila ng aktres.

Ang Kusina ay sinulat ni Cenon O. Palomares na nanalong grand prize sa 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards in Literature noong 2006.

“Matagal ng nabimbin ito,” kuwento ni Juday nang dalawin naming sa last shooting day ng Kusina sa may Marcos Highway.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Siguro nagtataka ‘yung mga tao kung bakit ang bilis kong bumalik kasi nu’ng si Lucho matagal talaga ako ulit gumawa.

“Naka-commit na talaga ako sa kanila two years ago pa, and I don’t want them to feel na hindi ko kayang tuparin ‘yung project. Gusto ko talagang gawin ‘yung project. Gusto kong makatrabaho sina Direk (Cenon), kasi nu’ng nabasa ko ‘yung script, iba, eh. Nangyari ito sa kusina, at saka hindi mahirap intindihin ‘yung story, hindi kumplikado na pag-iisipin ka, dadalhin ka lang sa buhay ni Juanita, hindi ka pag-iisipin kung ano’ng nangyari. Basta hindi kumplikado.

“Nakiusap talaga ako na ibigay sa akin itong project, kasi gusto ko talaga siyang gawin. Ang tagal bago ko nagawa kasi two years ago, wala nang mapaglugaran ng schedule, I was working like four times a week, baka naman hindi na ako makilala ng mga anak ko kung gagawin ko pa ang Cinemalaya that time, kaya nakiusap ako… baka puwede, kaya hinintay nila ako.

“Nu’ng time na magso-shoot na kami, ito ‘yung time na nabuntis naman na ako, so sobrang stretch na stretch na ako puwedeng mag-shoot ngayong June. Sa totoo lang, dapat September pa ako puwedeng bumalik magtrabaho pero wala nang time, so I just had to kasi August na ang Cinemalaya.”

Gusto niya ang kuwento ng Kusina at gampanan ang karakter ni Juanita na mahilig magluto at ipagluto ang mga taong mahal niya, na parang siya rin kasi. Kasama niya sa naturang project sina Joem Bascon, Luis Alandy, Angeli Bayani, Elora Espano, Ms. Gloria Sevilla at marami pang iba mula sa teatro.

Medyo nagulat kami dahil malusog si Budaday nang makita namin at hindi pa nga raw siya masyadong makapag-workout at makapagdiyeta dahil ceasarian section nang ipanganak niya ang bunso nila ni Ryan Agoncillo.

“Ayoko namang mag-diet kasi nagpapa-breastfeed ako, ayoko namang ipagkait sa anak ko ‘yung nutrisyon na dapat, kaya no diet muna. But I do swimming naman, walking at light exercises lang.

Plano pa ba nilang madagdagan ang dalawang babae at isang lalaking anak nila?

“Kung kaya pa at kung God willing, hindi ko masabi. Hindi pa naman ako nag-stop production, eh. We’ll see kung ibi-bless kami ni God ng isa pa… Pero kung hindi naman, okey na kami sa tatlo,” say ni Juday. (REGGEE BONOAN)