CABANATUAN CITY - Nasakote ang sinasabing kilabot na drug peddler at dalawa niyang kasamahan sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mabini Homesite sa lungsod na ito, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Supt. Joselito Villaroza Jr., hepe ng Cabanatuan City’s Finest, ang naaresto na si Jose Cura y Carrasco, alyas “Itlog”, 32, ng Bgy. Barrera, matapos maaktuhan sa pagbebenta ng shabu sa pulis na poseur buyer.

Arestado rin ang dalawang kasama ni Cura na sina Glenard Paulino y Reyes, 27; at Crizen Madrid y Dela Cruz, kapwa residente ng nasabing lugar. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog