ANGELINE copy

DAHIL sa paspasang trabaho, naospital si Angeline Quinto.

Sunud-sunod na shooting ng pelikulang That Thing Called Tanga (Regal Entertainment, sa direksiyon ni Joel Lamangan) at panay din ang lagareng corporate shows ni Angee kaya sa ospital bumagsak.

Nag-post sa Instagram nitong nakaraang Lunes ng umaga si Angeline ng kuha sa kamay niya na may nakakabit na suwero, at ito ang caption: “Headache, cold and cough. Wala pa rin akong ganang kumain. Pag kumain ako naisusuka ko din.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gusto ko na umuwi. Thank you po sa mga kaibigan kong nangungumusta sa akin. Thank you, Dr. Feliciano and Good morning pa rin IG friends.”

Naka-chat namin si Angeline at sinabihang mag-ingat.

“Thank you, Ate Reggee, opo, nagpapahinga na ako now, nagsusuka po kasi ako kaninang madaling araw kaya lalo po ako nanghina,” sagot niya sa amin.

May playdate na sa mga sinehan ang That Thing Called Tanga sa Hulyo kaya siguro minamadali itong tapusin ni Direk Joel. Bukod kay Angeline, kasama rin sina Erik Quizon, Kean Cipriano, at Billy Crawford sa movie.

Kailangan ng sapat na pahinga at lakas ni Angeline dahil hindi pa man naipapalabas ang That Thing Called Tanga, heto at may follow-up movie na kaagad siya sa Regal ulit at sisimulan na rin kaagad ang shooting.

Mukhang natuwa sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa kanya kaya binigyan agad siya ng isa pang pelikula.

Sabagay, maging kami rin naman ay aliw na aliw sa dalagang ito pero hindi niya alam na naakatawa ang mga sinasabi at pinaggagagawa niya – na hindi naman kasi niya talaga sinasadya.

Pati nga ang kapwa niya divas na sina Rachelle Ann Go, Kyla, KZ Tandingan at Yeng Constantino, tawang-tawa rin sa kapatid nila sa Cornerstone Entertainment na kapag bumuka na ang bibig ay kung anu-ano ang nakakalokang pinagsasasabi gayong seryoso naman.

At alam mo ‘yan, Bossing DMB, maski ikaw ay naloloka rin sa mga punchline ni Angeline.

(Lukaret ang babaeng ‘yan, huwag kang lalapit-lapit d’yan, Reggee Bonoan! Sa Iriga City, mantakin mo ba namang sinabihan ako n’yan ng, “Magpahinga ka naman, beh… puro ka na lang trabaho, beh…” ‘Buti na lang walang nakarinig, hahahaha! Hayan, siya pala ang dapat magpahinga! –DMB)

Anyway, wish namin na gumaling ka na, Angge dahil marami ka pang trabaho. Ikaw rin, bawal magkasakit ang breadwinner.

So, totoo pala ang sabi ni Erik Santos, kaya nagdesisyon kayong maging friends na lang kasi trabaho ang priority ninyo. (REGGEE BONOAN)