Walang tutol ang Commission on Human Rights (CHR) sa opensiba ng militar laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) kasunod ng pamumugot ng grupo sa dalawang Canadian nitong bihag.

Iniutos ng CHR ang mabilisang pagtugis sa mga bandido upang papanagutin sa pamumugot kina John Ridsdel at Robert Hall, na dalawa sa apat nitong dinukot sa Samal island noong Setyembre 2015.

Sinabi ni Chairman Chito Gascon, ng CHR, na walang karapatang mabuhay sa lipunan ang ASG kaya dapat lang na papanagutin ang mga ito sa batas, partikular sa paulit-ulit na paglabag sa karapatang pantao.

Una nang nagpadala ng 5,000 tauhan ang Western Mindanao Command (WestMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang tugisin ang Abu Sayyaf at mailigtas ang mga natitirang bihag. (Fer Taboy)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'