Nakopo ni Chezka Centeno ang unang internasyonal title nang gapiin ang beterno at world champion na si Kelly Fisher ng Great Britain, 11-8, sa Amway eSpring International 9-ball Championship nitong Linggo sa Banqiao Gymnasium sa New Taipei City.

Hindi nataranta kundi nagpakatatag ang 16-anyos na si Centeno laban sa mas bihasang karibal at sa kabila ng paghahabol sa 1-5 iskor sa kanilang race-to-11 titular duel.

Huling naghabol sa iskor na 7-8 ang dalagita na si Centeno bago nito sinamantala ang pagkakataon sa ika-16th rack upang itabla ang laban bago walisin ang huling tatlong laro.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“I’m very happy to win my first championship in a world ranking tournament,” pahayag ni Centeno, produkto ng Philippine Sports Commission PNG.

Ang korona ay maagang regalo sa kaarawan ni Centeno na magdiriwang ng kanyang ika-17 taon sa Hunyo 30.

Unang nagawa ng 2015 Southeast Asian Games at World junior 9-ball champion na si Centeno na manguna sa Group B at ipagpatuloy ang kanyang pagwawagi sa knockout stage.

Tinalo nito ang Spaniard na si Amalia Matas sa Last-16 sa iskor na 7-1, si Li Yuan Jun sa quarters, 9-1, at Han Yu sa matira-matibay na semifinals, 9-8, upang tumuntong sa finals kontra sa beteranong si Fisher.

“She played great under pressure,” sabini Fisher.

“She’s a fantastic player and I’m looking forward to seeing more of her in the future,” aniya.

Si Amit, naging runner-up sa WPA tournament sa nakaraang taon, ay agad na napatalsik sa unang round pa lamang ng 24-player knock-out stage sa nalasap na 4-7 kabiguan kay Mei Lin Yun. (Angie Oredo)