Ni NITZ MIRALLES

Heart Evangelista
Heart Evangelista
PINAGTATALUNAN pa rin ng followers at haters ni Heart Evangelista kung nip slip o hindi ang lumabas sa picture niya habang kayakap si Sen. Chiz Escudero na kuha nang magbakasyon sila sa Balesin Island.

Para sa followers ni Heart, parte lang ng damit ng aktres na hindi masyadong naayos ang inakalang pagsilip ng left nipple niya. Pero para sa haters ng aktres, left nipple talaga niya ang nakita sa litrato.

Pero dahil hindi pa rin inaalis ni Heart ang naging controversial picture, ibig sabihin, hindi niya nipple ang nakikita.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi naman siguro siya papayag na patuloy na pinagpipistahan ang kanyang litrato kung totoong nakita ang nipple niya.

Anyway, nag-i-enjoy ang viewers sa Juan Happy Love Story nina Heart at Dennis Trillo dahil sa mga nakakatawang eksena. Hindi akalain ng viewers na puwedeng maging naughty at daring si Heart. Nakakarami na sila ng kissing scenes ni Dennis, mabuti at hindi nagseselos sina Sen. Chiz at Jennylyn Mercado.