Hunyo 19, 1971 nang sa unang pagkakataon ay manguna ang awitin ng singer at songwriter na si Carole King, ang double-sided hit na “It’s Too Late/I Feel The Earth Move.”

Ang awitin ay nakapaloob sa ikalawa niyang album na “Tapestry”, na nanalo ng apat na Grammy award, at nanatili sa chart sa loob ng halos anim na taon. Bumenta ang album ng milyun-milyong kopya.

Inimpluwensiyahan ng “Tapestry” ang mga babae sa rock and roll, at ang tagumpay nito ang naging daan upang maging solo performer si King. Noong 1960s, sumulat si King ng iba’t ibang awitin, kabilang na rito ang “Will You Love Me Tomorrow?” ni Shirelles at ang “Up on the Roof” ng Drifters.

Nagsimulang matuto si King na tumugtog ng piano sa edad na apat, at nagsimula siyang pumasok sa industriya pagkatapos niyang magkolehiyo at ikasal.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon