MONCADA, Tarlac - Nabulabog ang masayang birthday party sa Barangay San Julian sa bayang ito matapos magkainitan sa inuman ang tatlong lalaki, na nauwi sa saksakan.

Ayon kay PO3 Adrian Flores, dakong 9:45 ng gabi at nakipagdiwang ng kaarawan sina Erwin Sagabaen, 25; Randy Cainglet, 28; at Edmundo Bueno, 29, sa bahay ni Patrick Pili, 23, sa nabanggit na barangay, at sa gitna ng kanilang inuman ay biglang nagwala si Bueno.

Ayon sa report, agad na binunot ni Bueno ang isang patalim at sinaksak sa likod si Sagabaen bago paulit-ulit na tinarakan sa kaliwang balikat si Cainglet.

Pinaghahanap na si Bueno, na nahaharap sa double frustrated homicide. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar