BAUAN, Batangas - Palaisipan pa sa awtoridad ang pagpapakamatay umano ng isang 29 anyos na lalaki na tumalon mula sa ikaapat na palapag ng gusaling kanyang pinaglilingkuran sa Bauan, Batangas.

Wala umanong saplot sa katawan nang matagpuan si Mark Fajardo, caretaker ng Caraan Building, sa Barangay Poblacion 4, Bauan.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Louie Ericson Brual, dakong 10:00 ng gabi nitong Hunyo 16 nang tumalon ang biktima sa gusaling may 100 talampakan ang taas, at bumagsak sa nakaparadang Isuzu pick-up (WSR-905). (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog