TARLAC CITY – Isang trike driver ang pinatay sa tapat ng isang restaurant sa Block 3, Barangay San Vicente, Tarlac City.

Kinilala ni PO1 Gilbeys Sanchez, may hawak ng kaso, ang biktimang si Bryan Collado, 24, ng nasabing barangay na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at namatay sa Tarlac Provincial Hospital.

Ayon sa isang saksi, nangyari ang krimen dakong 11:00 ng umaga nitong Huwebes. Nakaparada ang tricycle ni Collado sa tapat ng Cindy’s Restaurant at naghihintay ng pasahero nang lapitan siya ng hindi nakilalang armado at pagbabarilin.

Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala at tatlong live bullets mula sa kalibre .45. Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog