LINGAYEN, Pangasinan - Isang negosyante ang pinaghahanap ngayon ng awtoridad matapos dukutin sa bakuran ng kapitolyo ng mga lalaking nagpanggap na law enforcers.

Kinilala ni Supt. Jackson Seguin, hepe ng Lingayen Police, ang biktimang si Gurjinder Singh Dubb, alyas Jhender Dubb, 29, binata, Filipino citizen, ng Gov. Sison Street, Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Seguin, tuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso ng biktima, na dinukot dakong 3:30 ng hapon nitong Lunes sa harap ng Veterans Park ng mga lalaking sakay sa Toyota Innova at Toyota Hi-Ace na parehong puti. Sinabihan pa umano ng mga lalaki si Dubb ng, “You are under arrest!”

“Kusang sumama sa kanila ‘yung biktima, at umalis na sila sa Maramba Boulevard patungong Binmaley, Pangasinan,” anang pulisya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inaalam pa kung ang pagdukot ay may kinalaman sa negosyo ng pagpapautang ni Dubb, na nagsisilbing kolektor ng kanyang ama. Ikinokonsidera rin ang anggulong may kinalaman sa ilegal na droga, at love triangle. (Liezle Basa Iñigo)