NAKUNAN ang misis ni Gordon Ramsay na si Tana. Ito sana ang kanilang ikalimang anak.

Sa pamamagitan ng Facebook, inihayag ni Ramsay nitong Lunes ang malungkot na balita.

“We had a devastating weekend as Tana has sadly miscarried our son at five months,” pahayag ni Ramsay. “We’re together healing as a family, but we want to thank everyone again for all your amazing support and well wishes.“

Pinasalamatan din ng 49 na taong gulang na vhef ang “amazing team” sa Portland Hospital sa London para maisalba ang buhay ng kanilang anak.

Kokoy De Santos, lahat gagawin para sa pag-ibig

Ikinasal sina Ramsay at Tana noong 1996. Mayroon silang apat na anak — ang 18 taong gulang na si Megan, 16 na taong gulang na kambal na sina Jack at Holly, at ang 14 na taong gulang na si Matilda.

Nitong nakaraang buwan, isiniwalat ni Ramsay na ipinagbubuntis ng kanyang asawa ang ikalima nilang anak — 14 na taon matapos isilang ang pinakabata niyang anak — sa The Late Late Show. Idinagdag pa ng Hotel Hell star na sa Setyembre ito nakatakdang lumabas at umaasa siyang lalaki ito. (ET Online)