PANIQUI, Tarlac - Isang hindi kilalang lalaki, na inakusahang drug pusher, ang pinatay ng mga armado sa Sitio Timbugan, Barangay Patalan, Paniqui, Tarlac.

Ang biktima ay nasa edad 20-25, kulot, payat, may taas na 5’3”, at nakasuot ng asul na shorts. May mga tama ito ng bala sa kaliwang dibdib at pisngi, na tumagos sa ulo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Augusto Simeon, nakapatong sa bangkay ng hinihinalang biktima ng salvaging ang maliit na karton na nasusulatan ng: “Adik ako, ‘wag tularan.” (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog