CAUAYAN CITY, Isabela – Pinatay ng isang akusado sa panghahalay ang ina ng kanyang batang biktima at isa pang kaanak nito sa Barangay Dianao, Cauayan City, Isabela.

Sinabi ni Supt. Engelbert Soriano, hepe ng Cauayan City Police, na tinutugis na si Orlino Gapusan, 55, biyudo, at akusado sa rape, makaraang barilin at mapatay sina Anabel Costales, 41; at Don-Don Quebral, 37, biyudo, kapwa ng Bgy. Dianao, Cauayan City.

“Si Anabel ay ina ng batang pinagsamantalahan ni Orlino, habang si Don-Don ay kamag anak din ni Anabel,” sabi ni Soriano.

Ayon kay Soriano, pasado 7:00 ng gabi nitong Lunes at katatapos lang mag-inuman ng mga biktima nang dumating si Gapusan at ilang beses na pinaputukan ang mga biktima, na agad na ikinasawi ni Quebral.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nadala naman si Costales sa Isabela United Doctors Medical Center sa Cauayan City, pero binawian din ng buhay.

Nabatid na una nang nagbanta si Gapusan na papatayin ang pamilya ng umano’y hinalay niya matapos siyang masalang sa matinding kahihiyan dahil sa rape case na isinampa laban sa kanya noong 2013.

Kahapon, kinasuhan naman si Gapusan ng double murder. (Liezle Basa Iñigo)