KAGAYA ng iniidolo niyang si Luis Manzano, marunong ding tumanaw si Robi Domingo sa mga naitulong sa kanya ng press people.

Kahit matagal-tagal na rin naming siyang hindi nakakausap, ang TV host pa ang unang lumalapit at nangungumusta.

“Wala naman po tayong dapat ipagbago lalung-lalo na sa mga press people,” sey ni Robi nang makasalubong namin.

Kaliwa’t kanan na ang mga show ngayon ni Robi. Siya na nga, at wala nang iba pa, ang sumusunod sa mga yapak ni Luis Manzano. Napangiti si Robi at sinabing sino ba raw ang hindi matutuwa kapag sinasabi sa kanya na siya ang heir apparent ni Don Luis pagdating sa hosting.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Super thank you tayo sa compliment na ‘yan. Kumbaga, sino ba ang may ayaw na maging the next Luis Manzano? Para kasing sa ngayon, si Luis ang host of all the hosts.

“Sobrang sunud-sunod ang show niya. ‘Pag nawawala lang ng isang linggo, after one week, eh, may bago na naman siya.

Sobrang galing niya kasi. Kaya nga nakakatuwa na tawagin kang the next Luis Manzano,“ sey ni Robi.

Kung si Luis iniidolo niyang TV host, talbog naman ang panganay ni Ate Vi sa kanya pagdating sa lovelife. Going strong kasi ang relasyon ni Robi kay Gretchen Ho.

Lahad ni Robi, kahit pareho silang busy ni Gretchen, hindi naging problema ‘yun sa relasyon nila

“About our schedules, eh, we are really transparent. Alam niya ang mga schedules ko at alam ko rin naman ‘yung mga schedule niya,” sey pa niya.

Samantala, ibinalita sa amin ni Robi na bukod sa hosting jobs ay baka mapasama siya sa isang sitcom.

“’Di pa rin naman sigurado pero sana matutuloy. Gusto ko rin naman kasi na bukod sa paghohost, eh, mapanood din nila ako sa isang sitcom,” sey pa rin ng magaling na TV host.