TAYSAN, Batangas - Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isang barangay treasurer matapos umanong magsagawa ng buy-bust operation ang awtoridad sa Taysan, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Earl Carlo Dilay, 32, ng Barangay Sico, Taysan.

Ayon sa report ni PO3 Leo Perez, dakong 11:30 ng gabi nitong Hunyo 12 nang mahuli ang suspek sa Bgy. Mapulo.

Nakuhanan umano si Dilay ng dalawang sachet na may hinihinalang shabu, at marked money. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog