VICTORIA, Tarlac - Isang lalaking napasobra ang tapang ang nakaharap ngayon sa mabigat na kaso matapos niyang palagan at gulpihin ang pulis na nagresponde sa kanyang pagwawala hanggang dakpin siya ng dalawang tanod sa Barangay Balbalato, Victoria, Tarlac.

Ayon kay PO2 Alfredo Mondala, Jr., kinasuhan ng direct assault upon an agent of person of authority si Kent Benedict Ariola, 21, may asawa, ng nasabing barangay.

Dakong 8:30 ng gabi nang nagwala si Ariola sa hindi nabatid na dahilan, nagsisisigaw na labis na ikinabahala ng mga residente.

Nang magresponde ang isang PO2 Puzon at dalawang barangay tanod ay lalong nagwala si Ariola at pinagsusuntok ang pulis hanggang arestuhin siya ng mga tanod. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog