Gabby ConcepcionINAABANGAN na ng sumusubaybay ng Poor Señorita ang guesting ni Gabby Concepcion sa rom-com series na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.

Curious ang viewers kung paano ipapasok ang karakter ni Gabby na si Jaime na ginampanan din niya sa nagtapos na teleserye nila ni Carla Abellana na Because Of You.

Special guest lang si Gabby sa Poor Señorita at lalabas sa episodes 10 and 11, pero malay natin at magtuluy-tuloy niya ang karakter niya hanggang sa pagtatapos ng rom-com series sa week 16.

First time na magkakasama sina Gabby at Regine sa teleserye at hindi pa nga sila nagtambal sa pelikula, kaya kaabang-abang ang pagsasama nila sa Poor Señorita. Wish ng viewers, maging karibal ni Mikael Daez (Paeng) si Gabby kay Rita (Regine) para mas masaya. --Nitz Miralles

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern