Ni REGGEE BONOAN

Sarah GeronimoANG daming nagtatanong na mga kakilala namin sa ibang bansa kung buntis raw ba si Sarah Geronimo dahil sa sinasabi nitong may karamdaman siya na ayaw naman niyang banggitin kung ano.

Akala ko sa ibang bansa lang ang tsikang ito, pati pala sa apat na sulok ng ABS-CBN, iisa ang umiikot na tanong ng lahat, ‘buntis ba si Sarah G?’

Oo nga, ano nga ba, pati tuloy kami ay nakisali na rin sa one million dollar question na ito.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Kuwento ng TV executive na nakausap namin, “Alam mo, may nagtanong na rin sa akin n’yan kasi nga tinanggihan niya ‘yung Voice Kids 3, eh, wala naman akong alam.

“Pero nu’ng makita namin dati si Sarah dito (ABS), maliban sa ASAP, wala naman kaming napansing buntis siya.”

Kami rin ay hindi naniniwalang buntis ang TV host/singer dahil panay nga ang sayaw niya sa ASAP at kung totoong nasa interesting stage siya, malamang pagbabawalan siyang humataw sa dance floor.

Magbabakasyon si Sarah ng dalawang buwan simula sa Hulyo (birthday month niya) hanggang Agosto.

Dagdag naman ng isa pang kausap naming TV executive, “Nakita rin pala siyang naka-gym outfit, pero kakaiba ang glow ng mukha niiya ngayon, as in iba.”

Siyempre kinulit namin kung anong klaseng glow iyon at tinatawanan kami, “ano ba, hindi mo alam, parang after sex glow!”

Susme, ayaw nina Mommy Divine at Daddy Delfin ng ganyan.

“Baka gusto nang mag-asawa,” sabi ulit sa amin.

Paano mag-aasawa, e, hindi pa handa ang groom to be niya saka bata pa si Matteo Guidicelli, sabi namin sa mga kausap namin.

“Eh, kasi nasa marrying age na siya, mas matanda siya kay Matteo, di ba?” sagot sa amin.

Baka naman hindi pag-aasawa ang gusto ni Sarah kundi gusto lang niya ng freedom na laging kasama ang boyfriend niya kapag wala silang trabaho.