Ni NITZ MIRALLES

Bea BineneMUKHANG si Bea Binene ang susunod na magkaka-love life sa barkadahan nila nina Barbie Forteza, Joyce Ching at Louise delos Reyes.

Ipinost ni Bea sa social media ang natanggap na basket of fruits na may kasamang teddy bear. Ang caption niya ay “Hey, you know who you are. Thank YOU.”

May mga naniwalang galing kay Jak Roberro na kasama ni Bea sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli  ang natanggap na gift. Nali-link pala ang dalawa, kaya kilig na kilig ang kanilang fans.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nag-comment si Barbie na may halong panunukso ng, “O kay sarap ng may minamahal...@beabinene. Sumagot si Bea ng “Ikaw, may minamahal ka??? @barbaraforteza?”

Hindi na sumagot si Bea, pero sabi ng fans, may alam si Barbie na hindi pa nila alam, ang tiyak lang nila, may kinaalaman sa love life ang panunukso ni Barbie.

Ibig bang sabihin nito, love team at magkaibigan lang sina Bea at Derrick Monasterio dahil kung totoong nanliligaw si Jak Roberto kay Bea, sila ang real life. Sila ang bagong JaBea (hindi JhaBea dahil Jake Vargas at Bea) ‘yun.

Samantala, malapit nang magtapos ang Hanggang Makita Kang Muli  na pinagtatambalan nina Bea at Derrick Monasterio.  Nagtapos na rin ang Vampire Ang Daddy Ko kagabi na kung saan, kabilang sila sa cast. Tanong ng kanilang fans, anong balak ng GMA-7 sa kanilang love team?