Iginiit ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na linawin ng Korte Suprema ang kuwestiyonableng pagtatalaga ni Pangulong Aquino ng mahistrado sa Sandiganbayan na wala sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC).

Una nang naghain ng petisyon ang IBP sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang appointment kina Cebu City Branch 9 Regional Trial Court Geraldine Faith Econg, at Undersecretary Michael Frederick L. Musngi ng Office of Special Concerns sa Office of the President.

Sinabi ni IBP chief legal counsel Vicente Joyas na malinaw na nilabag ng Pangulo ang Section 9, Article VIII ng 1987 Constitution, na nakasaad na obligado ang appointing authority na pumili sa shortlist ng BC.

Binigyan na ng Korte Suprema ng 10 araw ang mga respondent para magpaliwanag sa nasabing appointment. (Beth Camia)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente