Nais ng susunod na administrasyon na mabawi ng bansa ang katayuan nito bilang nangungunang coconut producer sa mundo kahit na mangangahulugan pa ito na ilaan ang karagdagang 600,000 ektarya ng lupain sa buong bansa para sa pagtatanim ng coconut farming.

Sinabi ni incoming Agriculture secretary Emmanuel Piñol na kayang-kaya ang malaking target na ito.

“For coconut, we will regain our status as the number one coconut country in the world. We will re-plant coconuts covering additional 600,000 hectares of land over the next six years and this is doable kasi nabilang na yung seed maps [because it has already been taken into account in the new seed map],” sabi ni Piñol.

“There’s already an inventory where we will get it [the seeds] and everything,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Sa ngayon, ang Pilipinas ang ikalawang nangungunang coconut producing country sa mundo, kasunod ng Indonesia.

Ayon sa Statistics Division ng Food and Agriculture Organization ng United Nations (FAO), ang Indonesia ay nagpoprodukto ng 35.8 porsiyento ng kinakailangang niyog ng mundo, habang ang Pilipinas ay nag-aambag ng 30.0 porsiyento. (Madelaine B. Miraflor)