SAN PASCUAL, Batangas – Isa na namang kaso ng pagpatay sa isang babaeng kabilang sa drug watch list ng awtoridad ang naitala ng pulisya sa San Pascual, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Emely Basilio, 32, tubong Nueva Ecija, at nakatira sa Barangay San Antonio sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO3 Francisco Bonado, Jr., dakong 12:30 ng tanghali nitong Miyerkules nang pagbabarilin si Basilio ng dalawang suspek habang nasa terrace siya ng bahay ng isang Jerico Magbatoc.

Dead on arrival sa Bauan General Hospital ang biktima, na kabilang umano sa drug watch list ng Bauan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isa ring babaeng kabilang sa drug watch list ng Lemery ang pinatay nitong Hunyo 6. (Lyka Manalo)