Mga laro ngayon

(Rizal Memorial Baseball Field)

8 n.u. -- PAF vs UST

10 n.u. -- NU vs IPPC

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Patitibayin ng defending champion Philippine Air Force at IPPC Hawks ang kampanya na makabalik sa championship match sa pagsagupa sa magkahiwalay na laro sa cross-over quarterfinal ng 2016 PSC Commissioners Baseball Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Sasagupain ng PAF Airmen sa unang laro sa ganap na 8:00 ng umaga ang pinakahuling nagkuwalipika na University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers bago sundan nang salpukan sa pagitan ng IPPC Hawks at National University (NU) Bulldogs sa 10:00 ng umaga.

Winalis ng Airmen ang apat nitong laro sa Group A upang okupahan ang unang silya sa quarterfinals, habang binigo ng Growling Tigers ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa huling laro sa eliminasyon, 8-5, upang okupahan ang ikalawang puwesto sa Group C.

Ang Airmen ang back-to-back (2014-2015) PSC Commissioner’s Cup champion.

Asam naman ng IPPC na makabalik sa kampeonato sa pagsagupa nito sa matatag NU Bulldogs. Tanging kabiguan ng Bulldogs sa elimination ay mula sa Airmen, 3-0.