Pinabagsak ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 8-5, kahapon para makopo ang quarterfinal slot sa 2016 PSC Commissioner’s Baseball Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Naghabol sa iskor na 3-5 pagtuntong sa huling inning, pumalo ang Growling Tigers ng limang run bago nito na-ground out ang lahat ng pumalo sa Fighting Maroons sa bottom 9th upang itala ang pinakamalaking panalo sa torneo na ginagamit na basehan para sa pagpili ng miyembro sa National Team.

Agad nagtala ang UP ng tatlong run sa 3rd inning, isa sa 6th, at isa sa 8th bago nabulilyaso sa krusyal na sandali.

Nagtulungan para sa Tigers sina Marlon Gonzales (1-at-bat, 2 run at 1 hit), Ron Christian Dela Cruz (3AB, 2R, 1H at 1RBI), Jhom Kimferlee Lopez (4AB, 1R, 1H at 1RBI), Amiel Lallana (1AB at 1R), at Noriel Valencia (1AB at 1R) sa pagtuntong sa homeplate sa huling inning para okupahan ang ikalawang silya sa Pool C.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Makakasagupa ng UST ang nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force bukas para sa isang silya sa semifinals, habang maghaharap naman ang nauna nang tumuntong na National University (NU) Bulldogs at ang dating kampeon na IPPC Hawks. (Angie Oredo)