Posibleng mawalan ng kontrol ang awtoridad sa mga anti-illegal drugs operation kung papatulan ng publiko ang panawagan ni incoming President Rodrigo Duterte na pagbabarilin ang mga hinihinalang na papalag habang inaaresto.

Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson, dating hepe ng Philippine National Police (PNP), na bagamat may probisyon sa Revised Penal Code hinggil sa karapatan ng mamamayan na ipagtanggol ang sarili kung nalagay sa peligro ang buhay, hindi na kailangang gatungan ito ni Duterte.

“I think it doesn’t have to come from an elected President to encourage the public to take it upon themselves to arrest and kill suspected drug lords because law enforcement agencies might lose control in the fight against illegal drugs,” ani Lacson.

Bukod dito, hindi rin sumailalim sa pagsasanay ang mga ordinaryong mamamayan upang makumpirma ang isang intelligence information hinggil sa isang pinaghihinalaang drug lord, hindi gaya ng mga tauhan ng PNP at iba pang tagapagpatupad ng batas.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ito ang dahilan kung bakit mayroong “Order of Battle” ang awtoridad laban sa mga kriminal, lalo na ang mga sangkot sa ilegal na droga, at ito ay maisakakatuparan matapos ang serye ng intelligence workshop.

Sa kanyang talumpati sa “DU31” thanksgiving party sa Davao City nitong Sabado, nangako si Duterte na bibigyan ng pabuya ang mga Pinoy na makapapatay o makaaaresto ng mga drug dealer sa bansa. (Hannah L. Torregoza)