BRUSSELS (AP) – Isang late-night passenger train ang bumangga sa likuran ng nakahintong freight train sa eastern Belgium at nakalas ang dalawang bagon nito, na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng siyam pa, sinabi ng mga awtoridad nitong Lunes.

Dalawampu’t pito pang pasahero ang ginamot dahil sa insidente, na ayon sa mga awtoridad ay nangyari dakong 11 p.m. ng Linggo.

Sinabi ng RTL broadcasting na sakay ng pampasaherong tren ang 40 katao at tumatakbo sa bilis na 90 kph nang bumangga ito sa freight train sa Hermalle-sous-Huy sa pampang ng Meuse river malapit sa Liege.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo