Patay ang isang kahero matapos paulanan ng bala ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Pasay City, nitong Linggo.

Dead on the spot si Virgilio Epil, 56, residente sa 48-A Natividad Street, Barangay 63, Zone 8, Pasay City.

Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief Senior Supt. Joel Doria, dakong 4:19 ng umaga nitong Linggo nang mangyari ang pamamaril sa biktima sa tapat ng Felimarc Center sa Taft Avenue.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Nakita ng isang street sweeper ang pagdating sa lugar ng dalawang suspek na armado ng hindi batid na kalibre ng baril at isa sa mga ito ang nagsalita, “Pre dito na ‘ko mag-aabang, dun ka sa kabila.”

Ilang sandali ang lumipas ay nakarinig ang street sweeper ng sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa matagpuan nito ang duguang bangkay ng biktima.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Nakalagak ang labi ng biktima sa Veronica Funeral Homes upang suriin. (Bella Gamotea)