ROSARIO, Batangas – Halos apat na araw makaraang pumuga, isang bilanggo ang naaresto habang naglalakad sa palayan sa Rosario, Batangas.

May kinakaharap na kasong may kinalaman sa ilegal na droga si Elmer Aureada, 31, taga-Barangay Baybayin sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO3 Grizzly Awat, dakong 7:00 ng umaga noong Hunyo 3 nang maaresto ng mga awtoridad si Aureada habang naglalakad sa palayang sakop ng Bgy. Tubahan.

Nabatid sa report ng pulisya na tumakas umano ang suspek nitong Mayo 31 ng madaling araw mula sa piitan ng Rosario Police. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog