Hunyo 5, 1949 nang isilang ang sikat na thriller writer na si Ken Follett sa Cardiff, Wales. Siya ay lumaki sa pamilyang Kristiyano, at hindi pinahintulutang manood ng pelikula o telebisyon, o kahit makinig sa radyo.

Nagtapos siya ng kursong Philosophy sa University College in London noong 1970.

Si Follett ay naging kolumnista ng Evening News, at noong 1974, nagsimula siyang magtrabaho sa isang book publisher.

Upang kumita ng pera para maipagawa ang nasirang sasakyan, nagsulat si Follett ng isang thriller piece na hindi nagtagal ay tinanggap ng Everest Publishers.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Nagsulat si Follett ng iba’t ibang best-selling book, gaya ng “Eye of the Needle,” “Whiteout,” at “On Wings of Eagles.” Ginamit niya ang pen name na “Symon Myles” hanggang 1976.