SANTA IGNACIA, Tarlac - Isang public school teacher ang nasa likod ngayon ng malamig na rehas matapos mahulihan ng droga habang nagpa-pot session kasama ang dalawang iba pa sa Purok Progreso, Barangay Padapada, Santa Ignacia, Tarlac.

Sa ulat ni SPO4 Alexander Sapad kay Chief Insp. Ernie Mendoza Guarin, hepe ng Santa Ignacia Police, ang inaresto ay si Artemio Dupitas, 56, guro sa Padapada National High School at residente sa nasabing barangay.

Nakatakas naman ang dalawang kasamahan ni Dupitas at pinaghahanap na ng pulisya.

Napag-alaman na nakarekober ang mga awtoridad ng dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu at drug paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog