KINGSTON, Jamaica (AP) — Ipinahayag ng Jamaican Olympic Association na nakatanggap sila ng abiso mula sa International Olympic Committee (IOC) kung saan nakasaad na may atleta sila na sumabak sa 2008 Beijing Games na nagpositibo sa droga.

Kamakailan, inilahad ng IOC na may 31 atleta mula sa anim na sports ang nagpositibo sa isinagawang re-testing ng 454 sample mula sa Beijing Olympics. May hiwalay na 21 ang nagpositibo sa London Games.

Tumangging pangalanan ng JOA ang naturang atleta para mapangalagaan ang imahe nito batay sa “confidentiality rules”.

Kabilang si world record holder at Olympic champion Usain Bolt sa pinakasikat at pinakamatagumpay na atleta na nagmula sa Jamaica.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!