MATATAGALAN pa ang airing Written In Our Stars, ang serye nina Piolo Pascual, Sam Milby, Jolina Magdangal at Toni Gonzaga kasama rin si Sarah Lahbati handog ng Dreamscape Entertainment.

Kaya isinama muna si Sarah sa fantaseryeng Dream Dad nina Dominic Ochoa at Marco Masa.

Gagampanan ni Sarah ang papel na lumaki sa simpleng buhay ang dalagang si Ulah kasama ang kanyang mga magulang. At upang makatulong sa kanyang pamilya, sumasali siya sa iba’t ibang beauty contest upang kumita ng pera. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang kanyang mukha nang masabugan siya ng bombang dala ni Super D.

Simula noon, kinatakutan na si Ulah ng mga tao dahil sa pagkasira ng kanyang hitsura. At sa tulong ni Zulueta (Ronaldo Valdez), ang mortal na kaaway ni Super D ay magta-transform siya bilang si Tiradora at maghahasik ng lagim gamit ang makapangyarihang tirador.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kaya si Tiradora ang bagong kaaway ni Super D at magliligtas sa mga taong gagawan din ng hindi maganda ng dalagang retokado ang mukha.

Samantala, dapat ding abangan sina Niño Muhlach at ang kambal na sina Fourth at Fifth Solomon sa kanilang pagganap bilang mga kontrabida na sina Negastar at Bilbilly na nakatakdang magpahirap sa buhay ng pambansang superhero.

Huwag palampasin ang kuwentong magpapatunay na kahit ordinaryong tao ay maaaring maging superhero, ang My Super D, gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN. (REGGEE BONOAN)