Hunyo 3, 1989 nang mamatay ang 500 sa 1,200 pasahero ng dalawang tren na naglalakbay sa magkaibang direksiyon matapos sumabog ang tubo ng natural gas sa Ural Mountains sa Russia, dahilan upang magliyab ang dalawang tren.
Binabagtas ng dalawang tren ang pagitan ng mga lungsod ng Novosibirsk at Adler.
Naipon ang tumagas na gas, at ang spark ang nagbunsod ng pagsabog nito.
Karamihan sa nasawi ay mga bata na dadalo sa mga holiday camp sa Black Sea.
Ipinalabas sa soviet television ang ekta-ektaryang kagubatan na nasusunog, nawasak ang mga pampasaherong sasakyan, at sa pamamagitan ng mga helicopter ay isinugod sa ospital ang mga batang nagtamo ng matinding sugat.
Isinisi ni dating-Soviet Union President Mikhail Gorbachev ang insidente sa “mismanagement.”