Sa layuning hindi mahirapan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na mag-a-apply ng pasaporte, maglalagay ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng courtesy lane para sa migrant workers’ passport application at renewal sa tanggapan nito sa Aseana Business Park sa Parañaque City.

Bukod dito, balak din ng DFA na gawing eksklusibo para sa OFWs ang satellite office ng kagawaran sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.

Maituturing itong hassle-free para sa OFWs, na direktang magtutungo sa mga tanggapan ng DFA para kumuha ng pasaporte at hindi na kailangan pa ng appointment.

Napili ang Robinson’s Galeria upang ang mga aplikante na may transaksiyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Ortigas Avenue ay madali lang makatatawid sa EDSA para sa kanilang aplikasyon sa pasaporte, basta magprisinta lamang ng employment papers at passport requirements.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, ipinaalala ni DFA Assistant Secretary Charles Jose na epektibo kahapon, Hunyo 1, ay pagbabawalan nang mag-apply ng pasaporte sa loob ng 30 araw ang mga aplikanteng hindi sisipot sa itinakdang petsa at oras ng kanilang appointment.

Batay sa datos ng DFA, umabot sa 47 porsiyento, o katumbas ng 800 passport applicant, ang hindi sumisipot sa kanilang appointment, na dahilan ng isa hanggang dalawang buwang pagkaantala para sa ibang aplikante. (Bella Gamotea)