LAUREL, Batangas – Patay ang isang negosyante gayundin ang isa sa mga suspek matapos na makaganti ng putok ang una bago tuluyang bawian ng buhay sa Laurel, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Joey Dela Cruz, 35, ng Barangay Molinete, Laurel.

Namatay din habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isa sa mga suspek na si Gino Dichoso, 29 anyos.

Ayon sa report ni PO1 Juvit Ariola, dakong 2:50 ng hapon nitong Mayo 27, nakaupo si Dela Cruz habang hinihintay ang pagpapa-car wash sa kanyang Toyota Fortuner sa Bgy. Poblacion 4 nang bigla siyang barilin ni Dichoso.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakaganti ng putok ang biktima ngunit may dumating na isa pang suspek, na pinagbabaril ang negosyante.

Tinangka pang itakas ng ikalawang suspek si Dichoso pero nasira ang motorsiklo niya.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)