Mga laro ngayon

(Rizal Memorial Baseball Field)

7 n.u. -- PAF vs Adamson (Pool A)

9 n.u. -- Big Daddy’s vs UP (Pool C)

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

11 n.u. -- PUP Smokey’s vs LS Antipolo (Pool B)

 

Target ng defending champion Philippine Air Force na masungkit ang ikatlong sunod na panalo at awtomatikong silya sa semi-finals sa pagsagupa sa Adamson Soaring Falcons sa tampok na laro ngayong umaga sa 2016 PSC Commissioner’s Baseball Challenge Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Unang papalo sa ganap na alas-7 ng umaga ang walang talo sa dalawa nitong laro na Airmen kontra sa Falcons na bitbit ang 1-1 marka bago sundan ng salpukan ng Daddy’s at University of the Philippines na kapwa asam ang unang panalo sa torneo na basehan para sa pambansang koponan.

Huling magsasagupa ang La Salle – Antipolo at PUP Smokey’s na kapwa asam maagaw ang ikalawa at huling silya sa nalalapit na cross-over semifinals ng kompetisyon na itinataguyod ng PSC upang mahasa at mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makasama sa national squad.

Huling tinalo ng tinanghal din na 2015 PSC Chairman’s Cup champion Air Force ang National University Bulldgos, 3-0.

Una nitong binigo ang expats na MC Dream Korea, 4-0.

Sariwa naman ang Adamson sa pagbigo sa nagsasanay para sa kanilang paglahok sa Asia Pacific Championships na Vitarich ILLAM, 15-3, matapos na unang mabigo kontra karibal na NU, 5-6. (Angie Oredo)