Mas magilas na Gilas Cadet ang humarap sa host Thailand para mailista ng Philippine national basketball team ang dominanteng 97-80 panalo at angkinin ang kampeonato sa 2016 SEABA Stankovic Cup nitong Sabado, sa Bangkok.

Taliwas sa kanilang paghaharap sa huling araw ng elimination round kung saan nagwagi ang Pinoy ng isang puntos, 66-65, mas matikas na Gilas ang bumandera para rumatsada sa double digit na bentahe sa kaagahan ng laro tungo sa panalo na nagpatibay sa paghahari ng Pinoy sa regional level.

Hataw si Troy Rosario sa 17 puntos para dugtungan ang dominanteng pagwalis sa torneo.

Ang Stankovic Cup ang nagsilbing qualifier para sa 2016 FIBA Asia Challenge. Bilang finalist, kapwa pasok ang Gilas Cadet at Thailand sa torneo na gaganapin sa Iran.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Iskor:

PHILIPPINES (97)—Rosario 17, Jalalon 16, Belo 14, Tolomia 12, Vosotros 11, Pogoy 10, Ferrer 8, Escoto 6, Jose 2, Pessumal 1, Holmqvist 0, Tibayan 0.

THAILAND (80)—Ananti 19, Chanthachon 11, Lertmalaiporn 11, Samerjai 10, C. Klahan 9, P. Klahan 8, Jaisanuk 6, Lakhan 6, Towaroj 0, Ghogar 0, Apiromvilaichai 0.

QUARTERSCORES: 22-22, 49-45, 67-62, 97-80