TAAL, Batangas - Sugatan ang isang pulis matapos pagbabarilin habang nasa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa Taal, Batangas.

Nilalapatan ng lunas sa Taal Polymedic Hospital si PO3 Bryan Nohay, 39, operatiba sa San Nicolas Police.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at hita si Nohay matapos umanong pagbabarilin ni Rodolfo Mina, 65 anyos.

Ayon sa report ni PO2 Joseph Catapang, dakong 7:50 ng gabi nitong Mayo 27, nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang pulis kasama ang mga kaibigan sa kanyang bahay sa Barangay Halang nang dumating ang suspek at pinagbabaril ang biktima gamit ang isang .45 caliber pistol.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naaresto naman ang suspek, na naka-confine sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery dahil sa mga tinamong sugat matapos kuyugin ng mga kaanak ni Nohay.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Lyka Manalo)