Mayo 29, 1913 nang itanghal ng Russian ballet group na Ballet Russes ang Le Sacre de printemps sa Theatre de Champs-Elysees, sa Paris, France. Sa English, kilala ang nabanggit na sayaw sa tawag na “The Rite of Spring.”

Nang panahong iyon, ang mga manonood ay mula sa iba’t ibang uri ng lipunan sa Paris, at nais mapanood ang produksiyon ni Serge Diaghilev. Ang ballet ay kinilala bilang “real and true art”, at tumugon ang mga manonood sa pamamagitan ng mga sipol at hiyawan habang pinapanood ang show.

Hindi nagtagal, unti-unting naging bayolente ang ilang manonood, aabot sa 40 katao ang pinalabas sa sinehan.

Nakabukas ang lahat ng ilaw, ngunit patuloy sa pagsayaw ang mananayaw na si Piltz na may temang religious hysteria.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Binuo ni Diaghilev ang Ballet Russes noong 1909.